Save money and operating costs, minimize your energy waste, and lower your property's environmental impact.
Magtipid sa pera at gastos sa inyong mga operasyon, bawasan din ang nasasayang na enerhiya, at bawasan din ang epekto ng inyong bahay sa kapaligiran.
Tumawag sa Hotline para sa Enerhiya ng SF Environment sa (415)-355-3769 para sa impormasyon tungkol sa mga pinansiyal na panghikayat para sa pagtitipid sa enerhiya at pagpapaayos tungo sa enerhiyang hindi nauubos ang pinagkukunan (renewable), mga opsiyon para sa pagbabayad, at mga itinatakda.
Pagtitipid sa Enerhiya
- Mga Panghikayat - Pagpapahusay ng Paggamit ng Enerhiya sa California (Energy Upgrade California)
- Mga Itinatakda - Mga Dapat Gawin Bago Kayo Magbenta ng Pag-aari (Ordinansa para sa Pagtitipid ng Enerhiya sa mga Residensiyal na Gusali)
Enerhiyang Hindi Nauubos ang Pinagkukunan
- Mga Panghikayat, Opsiyon sa Pagbabayad- Mga Panghikayat sa Paggamit ng Enerhiyang Nagmumula sa Araw (Solar Energy) at Opsiyon sa Pagbabayad
Bakit Tayo Nagtitipid ng Enerhiya?
Tinutugunan ng San Francisco ang hamon ng pagbabago ng klima sa pamamagitan ng mga nangungunang mga polisiya, programa at pakikipagbalikatan, na pawang dinisenyo para maging mas madali at abot-kaya ang pagtitipid sa enerhiya at paggamit ng enerhiyang hindi nauubos ang pinagkukunan. Dahil sa mga isinagawang aksiyon para magkaroon ng mga kagamitang matipid sa enerhiya at mas mabuti para sa kapaligiran, nagiging mas malinis, malusog, at ligtas na lungsod ang San Francisco.
Contact information
Contact SF Environment's energy team today at (415) 355-3700 for information on financial incentives for energy efficiency or renewable energy upgrades, financing options, and requirements.